Thu, 26 Nov 2020

Tagalog News: Puerto Princesa, wala nang positibong kaso ng COVID-19

Philippine Information Agency
30 Oct 2020, 04:38 GMT+10

PUERTO PRINCESA, Palawan, Oktubre 29 (PIA) - Idineklara ng Puerto Princesa City Incident Management Team (IMT) na gumaling na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nag-iisang pasyente nito.

Ang nasabing indibiduwal ang tanging nagpapagaling mula sa kabuuang bilang na 117 na naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, dahilan para mai-deklara rin itong "zero" na sa kaso ng sakit.

Sa post ng IMT Puerto Princesa sa kanilang facebook page, makikitang bitbit ng lalaki ang kaniyang mga bag habang Masaya siyang sinalubong ng mga medical frontliner na nag asikaso sa kaniya sa pasilidad habang nagpapagaling.

Samantala, sa press conference kanina kasabay ng paglulunsad ng pagtatalaga sa mga COVID-19 Marshals kanina, sinabi ni Mayor Lucilo Bayron na sinisikap ng pamahalaang lungsod at ng lokal na Inter-Agency Task Force Against COVID-19 (IATF) na hindi na magkakaroon ng paghahawa-hawa ng sakit.

Ito ay sa pamamagitan ng mga binuong estratehiya sa lungsod partikular na ang pagpapakalat ng mga COVID-19 marshals sa iba't ibang bahagi ng siyudad upang matiyak na nasusunod ang mga pangkalusugang panuntunan.

Ipinaliwanag din ni Dr. Dean Palanca, pinuno ng IMT sa lungsod na mahalaga ang maigting na pagsunod at pakikiisa ng mga mamamayan sa mga panuntunan ng siyudad upang hindi na muling magkaroon pa ng community transmission ng nasabing sakit. (LBD/PIAMIMAROPA)

More Kolkata News

Access More

Sign up for Calcutta News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!